Sunday, July 31, 2011

Hataw

Marras kampeon sa MERALCO Invitational Chess Cup
Written by Hataw tabloid   
Saturday, 20 August 2011 04:08
PINAGHARIAN ni Ray Marras ng Prulief UK ang 3rd leg ng Meralco Invitational Chess Club kamakailan na ginanap sa Meralco head office sa Ortigas.

Nakalikom si Marras ng 5.5 points tungo sa pagkolekta ng kanyang second title sa 3 legs. Solo 2nd Placer si Franz Baretto ng Filinvest na may 5.0 points.

Limang manlalaro ang magkasalo sa 3rd hanggang 7th place na may tig 4.5 points ito ay kinabibilangan nina Cromwell Sabado ng KFC, Bren Sasot ng Coca Cola, Marlon Constantino ng Outline Marketing, Marco Palogan ng San Miguel Corp, at businessman Noel Garcia.

Ang Paulina R. Sol Cruz Memorial Award ay nakopo ni Jessie Lucido ng Meralco -Process & Standards na may 2 points.

Ang Top Company ay napunta sa San Miguel Corporation na kinatawan nina Marco Palogan, Leo Ricana, at Wilson Co.

http://www.hatawtabloid.com/index.php?option=com_content&view=article&catid=35%3Acatsports&id=32259%3Amarras-kampeon-sa-meralco-invitational-chess-cup&Itemid=65

No comments: