Written by Lovely Icao |
Saturday, 13 February 2010 00:07 |
NANUMBALIK ang tikas ni Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr. ang kanyang dating porma nang magtala ng magandang performance sa simultaneous chess exhibition kamakailan na ginanagap sa Basement Canteen, Lopez Bldg, sa Meralco, Ortigas Center, Pasig City. Si Bernardino, radio commentator, sports writer at miyembro ng coaching staff ng La Salle Greenhills (LSGH) sa ilalim na kandili ni head coach IA/ NM Erwin Carag, ay tinalo ang kanyang ten board matches sa one-day event na inorganisa ng Meralco chess club sa pangunguna ni president Rolly Sol Cruz sa pakikipagtulungan nina Mon Pataleon, James Macagbam Willy Baetiong at Bong Cachola bilang pag-gunita sa 2nd death anniversary ni Noel P. Olvida. Si Maga, former Olympian member ay nagsagawa naman ng 15 boards simul chess na nagkamada ng 14 wins at isang draw kay Jerome Saltorio ng Earist. Ang Pandacan, Manila resident Saltorio, ang bukod tanging nakatabla kay Maga ay nakatanggap ng P100 plus slot sa 3rd MERALCO Chess Workshop ni GM Buenaventura “Bong” Villamayor. Ang Meralco Chess Club ay nakapag-organisa na ng chess simuls sa nakalipas kung saan ay nasilayan sina grandmasters Wesley So, Rogelio “Joey” Antonio Jr., Eugene Torre, Jayson Gonzales, Mark Paragua, Villamayor, national masters Andrew Vasquez, Gerry Cabellon at US master John Daniel Bryant. |
Sunday, February 7, 2010
HATAW: NM Bernardino & NM Maga
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment