Sunday, January 20, 2008

ABANTE: GONZALES GM NA

Gonzales GM na; Nolte nasikwat din ang IM norm

Bagama’t natalo sa tenth at penultimate round, si Jayson Gonzales, member ng multi-titlist Philippine Army Chess Team, nakopo pa rin nito ang third grandmaster (GM) norm, habang si compatriot Roland Nolte, mula Philippine Airforce Chess Team ay nakuha ang third International Master (IM) norm kasama din ang first GM norm.

Mismong si Gonzales ang nagkumpirma ng magandang balita sa wri­ter na ito kahapon via long distance call.

“Ngayon ko lamang nalaman (yesterday) na finally nakuha ko na ang 3rd at final GM norm ng makaiskor ako ng 7.0 points sa round 9 habang si (Rolando) Nolte ay nakuha din ang kanyang 3 rd at final IM norm at 1st GM norm ng makaiskor naman siya ng 6.0 points sa round 9,” paliwanag ni Gonzales sa writer na ito bago ang final round kahapon ng inaugural ASEAN Masters Chess Circuit sa Indo­nesian City ng Tarakan sa East Kalimantan (Borneo).

“Pero kung hindi ko ma meet ang 7/9 requirements puwede ko ding makuha sa 8.5/11 requirements,” ani Gonzales, na sinuportahan ang kanyang kampanya nina Natio­nal Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero “Butch” Pichay Jr., Philippine Sports Commission (PSC) chair William “Butch” Ramirez at businessman Reginald Tee.

Lubos naman ang kagalakan ni National Chess Federation of the Philip­pines (NCF) president Prospero “Butch” Pichay Jr., sa tagumpay nina Gonzales at Nolte sa ASEAN Master Chess Circuit.

“Magandang inspiras­yon sa ating mga kababa­yan at sa mga kabataan ang magandang hated na balita nina Jayson (Gonzales) at Rolando (Nolte). Bagong GM at IM ng Pilipinas. I hope marami pang player natin na makakuha ng title norms sa taong ito,” iniuugnay ni Pichay si GM candidate Julio Catalino Saddora, na good showing sa past international tournament sa bansa.

Sina Gonzales at Nolte, parehong long-time resi­dent ng Quezon City ay nakuha ang atensiyon ni QC majority floor leader at 4th district councilor Ariel Inton na magpapasa ng resolution sa QC council para magbigay ng citation sa two Quezon City resident heroes sa field of chess.

“Ipu-push natin sa (QC) council na bigyan ng rekomendasyon kina Jayson (Gonzales) at Rolando (Nolte) bilang pagkilala sa kabayanihang hatid nila sa ating bansa, partikular na ang Lungsod Quezon,” sabi ni Inton, well known sports advocate, na kinilala at binati sina Gonzales at Nolte sa opening ng Quezon City Inter-Barangay Chess Team Tournament kahapon sa Amoranto SB Gym sa Quezon City.

No comments: